Nuon, isa sa mga dahilan kung bakit tagalog ang wika na gamit ko sa blog na ito ay para hindi maunawaan ng isa sa mga dati kong amo na puti kung ano ang pinagsasasabi ko. Madalas niya ako manmanan nuon sa mga social networks at kahit na sa personal ko na oras ako mag update eh pinupuna pa din niya.
Ibang-iba ang sitwasyon nuon, ako nuon ay isang OFW sa Dubai na malayo sa pamilya, walang matakbuhan, kinakailangan dumiskarte ng pagkaka-abalahan maibsan lang ang lungkot.